Tuesday, June 14, 2011

#tipsforUPfreshies

Dahil sa trending topic na #tipsforUPfreshies sa Twitter at dahil na rin sa recent post ni Ryo kaya ako magsusulat ng sarili kong version. Bukod sa wala akong Twitter account, sa tingin ko hindi kasya ang 160-characters(?) para masabi ko lahat ng gusto kong ibilin sa mga bagong estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas lalong-lalo na yung mga taga UP Manila. 


Isang babala lang, itong mga tips na ito eh hindi universal at sa malamang-lamang eh mag-apply lang sa mga estudyanteng kumuha o kumukuha ng kurso na kagaya nang akin: BA Procrastinating Major in Cramming.  


1. Mahirap ang Math 11 pero maipapasa mo ito. Hindi ako agree sa sinabi ni Ryo na madali lang ang Math 11. Kung madali lang ang Math 11 bakit may mga taong nakakaabot ng Math 88 (ibig sabihin 8 times niya nang tine-take ang Math 11 at di pa din nakakapasa.) Kahit ako, naka Math 33 pero laking pasalamat ko na naipasa ko ito after ng pangatlong try. Pag kasi hindi pa, taga mo sa bato, nabaliw na siguro ako. Pero totoo, nakukuha sa aral ang subject na ito. Matindi lang talagang concentration at practice ang kailangan. Yung tipong masasagutan mo na yung buong module bago pa man mangalahati yung sem. At eto ang tip na sadly ay di ko ginawa, totoo, may points kang makukuha sa effort kaya kahit di mo alam ang sagot sa exam, maganda pa din yung makita ng prof mong nag-try kang mag-solve. 


2. Hindi natutuwa ang mga prof sa mga teacher's pet at yung mga sobrang G.C. (grade conscious) na naghahabl ng grade. Ayaw ng mga prof yung naghahabol ng correction sa grade dahil feeling ko, iniisip nila, "anong akala mo, hindi ako marunong mag-compute ng grade? na mali ang judgement ko?" Wag na wag ipamumuka sa mga prof na mali sila lalong-lalo na kung hindi ka sure na mali talaga sila, matatalo ka lang. Meron akong prof dati na nagalit sa mga classmate kong naghabol sa grade. Sa huli, yun pa din ang grade nila. Hindi na nga tumaas ang grade nila, chinismis pa sila ng prof sa amin. 


3. Walang UP Professor na bobo. Sure, merong ineffective magturo, meron yung tipong makakatulugan mo na at magkakasala ka talaga sa sobrang boring magturo, pero lahat sila matalino at marunong. Hindi mo sila mabobola at hindi mo mapapaikot ang ulo nila. Wag nang subukang mangopya dahil wala kang ligtas. Or at the very least, mahiya ka naman. Pinaghirapan mo ang UPCAT tapos mangongopya ka lang pag nakapasok ka na?  


4. When all else fails, take a nap. Kapag may MGA paper kang due na kinabukasan o ilang oras mula sa kasalukuyan, kung may MGA exam kang cover to cover ang scope, kung may MGA project kang sabay-sabay ang pasahan, kung may MGA report kang kailangang pag-aralan, kung pasahan na ng thesis mo mamaya, o kung thesis defense mo na kinabukasan, at dumudugo na ang utak mo kakaisip kung pano o kelan o kung matatapos mo pa ba lahat ng dapat mong gawin, mag POWER NAP ka. Totoo, malaking tulong yan. Kasi naku-cultivate ang mga ideas pag tulog ka at napapanaginian mo ang mga dapat mong gawin at isagot sa mga tanong na di mo masagot pag gising ka. Kung talagang maswerte ka, mapapanaginipan mo pa ang mga sagot sa mga mind-boggling questions na ito. Isa pa, hindi advisable na aralin mo ang buong libro. Ginawa ko na ito isang beses, bumagsak lang ako. Di ko na inulit ulit. 


5. Hindi sa lahat ng oras, aral lang ang aatupagin mo. College days ang pinaka-liberating sa lahat at talagang mararamdaman mo ang kalayaan mo bilang isang tao. Hawak mo sarili mong schedule at pwede mong gawin ang gusto mo basta ikaw din ang bahala sa consequences nito. Hindi maganda yung puro ka lang aral kasi pag-graduate mo, you'll spend the rest of your life working. I-balance lang ang oras sa pag-aaral, mga 30% aral tapos 70% yung gimik at spending time with friends.Yan ang talagang ideal percentage ng school at fun. Promise, pag sinunod mo yan, ga-graduate ka on time! :) 

No comments:

Post a Comment