Disclaimer: This post has to be written in Tagalog because I am afraid Daniel would find out I have the biggest crush on him. What if he's feeling all narcissistic and starts Google-ing his name and finds out about this post and starts falling in love with me? That will be tragic...for Ferald. So here it goes:
Mahal kong Crush,
Tandang-tanda ko pa nung una kitang makita. Labing-isang taong gulang pa lang ako nun at namimili ng gamit pang-eskwela sa National Bookstore. Ang muka mong ubod ng cute na naka-print sa isang unan ang bumungad sakin. Naaalala kong tinitigan ko yun ng matagal at biglang nag slow motion ang lahat ng tao sa paligid hanggang sa tawagin ako ng tatay ko sa counter. Ngayon nalilito tuloy ako kung yun ay isang panaginip lang o talagang yun ang nangyari, para kasing sa pelikula lang yun nangyayari.
Grade 5 pa lang ata ako nun, mga bata pa tayo nun, at sayo ko unang naramadaman ang napakasayang feeling ng pagkakaron ng crush. Tawagin na akong loser pero simula nung grade 5 hanggang ngayon, matapos ang mahigit sampung taon, heto ako at crush pa rin kita.
Natatandaan ko pa ang napakadaming unan na katabi ko sa aking kama na merong muka mo. Lahat sila, yun ang inireregalo sa akin pag pasko. Minsan naman, kung may pera akong nakukuha ay pinambibili ko din yun ng mga unang may muka mo. Natatandaan ko pang itinatalikod ko silang lahat kapag magbibihis ako sa kwarto kasi ayaw mong pumikit kahit sinabi ko nang magbibihis ako. Palagi din akong bumibili ng K-zone magazines dahil lagi kang naka-feature duon. Nakakatuwang malaman ang iba't ibang facts tungkol kay Harry Potter at Daniel Radcliffe.
Natatandaan ko din na minsan akong dinalan ng magazine at ng Limited Edition Harry Potter watch ng tita ko nung galing sya sa Amerika. Ako na yata ang pinakamasayang bata nung nataggap ko yun. At yung mga panahong nangongolekta ko ng mga pictures mo galing sa mga magazines at photo books at itinatabi ko sila sa mga picture ko.
Natatandaan ko ding ikaw ang palaging gusto kong i-partner sakin sa tuwing gagawa ng script ang kaibigan kong si Celine. Natatandaan kong sobrang kilig ko nuon at napapangiti ako mag-isa sa tuwing may scenes tayong dalawa. At yung mga panahong kebs lang sa pagpila makanuod lang ng pelikula mo. Hinding-hindi ko yun makakalimutan.
Malaki na ang pinagbago nating dalawa. Nakakalungkot isipin na ilang araw na lang ay ipapalabas na ang huling Harry Potter movie mo. Nakakalungkot isipin na mahilig ka sa mga mas matandang babae upang gawing girlfriends. Nakakalungkot isipin na na-feature ka at ang iyong pagiging alcoholic nung nakaraan sa Yahoo! Nakakalungkot isipin na hindi kita kailanman makikita sa personal. Huhu.
Pero okay lang. Araw-araw naman kitang nakikita dahil sa mga poster mo sa kwarto ko. At okay lang, dahil habambuhay ka naman sa puso ko. Hihi.
P.S. Crush ka na din nga pala ni Saab. Palagi ka niyang tinititigan.
No comments:
Post a Comment